Feb 10, 2013 5 AM
Nang kuhanin ko ang mga cards na ito sa opis ay isinama ko ang panganay na apo (Corinne, 2 yrs&7 months) kaya nakipagbatian din siya sa mga policewomen doon. At pagbalik naming sa pwesto sa visiting area, tuwang-tuwa siyang binubuksan ang bawat sulat. Nasanay kasi sa pagbubukas ng mgaregalo sa kanya noong nakaraang pasko. Tapos naappreciate niya agad ang kulay at drawing sa card.Hinawakan ng dalawang munting kamay at posturing nagbabasa (kahit baliktad ang card) sabay wika.“Gayon”.Ibigsabihin, “Ganda!”
Isa pang naka aliw sa mga apo lalo na ang panganay ay ang SPIN-WHEEL na origami. Bago sila dumating, nakadisplay na ito sa mesa at napapaikot na ang electric fan. Kaya napansin agad ni Corinne at hiningi agad para mahawakan at siya ang magpapaikot. Nakagawa ako ng ilang origami na simple lang pero ilan lang ang na-appreciate ni Corinne tulad ng SPINTOP naiba’t ibang kulay.
Maliban sa origami, natuwa siya sa musical instrument na Internationale. Pinapa ikot ito at tinutugtog ang Internationale (introduction only. Bigay ito nika Fidel Agcaoili noong dumalaw siya rito (Jan. 7) kasama ang ilang kasama mula sa Joint Monitoring Committee at mga abogadong PILC. Ngayon ang Internationale Musical Instrument ay nasabahay na’t pinagkaguluhan din ng Auntie Tanya ni Corinne na 10 yrs old at bayaw ko (Tatayni Tanya).
Dagdag na kaligayahan naming sa dalawang mga anak at apo ay ang pagkukuhang pix. Kaya pasasabayan ko ang email na itong ilang shot naming ng mga apo-bunso-Juan Matteo (JM angtawagsakanyaperosa akin sapagsusulat ay tinutukoykongsi Baby JMS (plus S-middle name niya). Nag-bday pala sika JMS noong a-8 de Pebrero.Kasabay si noy2 pero dito, niregaluhan ng kilos protesta siNoynoy ng mga militanteng aktibista.
Sa panig naman naming mga bilanggong political, nakalaya na si Ka Ericson Acosta nitong nakaraang buwan matapos ideklarang Dept. of Justice (DOJ) na walang probable cause ang kasong illegal possession of explosives sa kanya. Nauna rito, ipinagamot siya sa National Kidney Institute dahil sa kanyang nephritis. Habang naroon siya sa NKI at matapos maoperahan, lumabas ang order ng DOJ. Hinihintay pa ang mismong release order mula sa Calbayog City Regional Trial Court judge na may hawak sa kaso niya para tuluyan na siyang makalaya!
Nagpapatulong pa naman ang peace talks at may mga pagpupulong konsultasyon (case conferences) ang mga makabayang abogadong PILC at NUPL para talakayin, usisain/ busisiin ang mga kasong mga bilanggong political upang iharap sa gobyerno ni Noynoy para sa pagpapalaya may nakatakda pa kasing 3 NDF consultants napapalayain kaugnay sa peace talks (mapano, badayos&Codanteng Mindanao at Visayas) at 5 bilanggong political sa buong bansa (malamang isa na rito si Ka Ericson).
Kami naman dito sa Crame ay tatlo na lang-2 datihan, Ka Edong Sarmiento at ako. Si Ka Rey Gamara naman ay naidagdag sa amin noong Abril 3, 2012 pero bandang Hunyo 30 ay pwersahang inilipat sa Bicutan si Ka Alan.
Hanggang dito na muna’t kumusta uli sa inyong lahat diyan.
Muli, maraming salamat sa lahat ng suporta ninyo. Sumisigla ang mga kilos protesta rito ng mga maralita ng lunsod laban sa demolisyon (kalimita’y mararahas), kabataan at mga estudyante (laban sa anti-cybercrime law), may magsasaka (laban sa pangungurakot ng gobyerno sa coco levy at para sa tunay na reporma sa lupa); manggagawa’t mga tsuper laban sa pribatisasyon ng mga gov’t hospitals at oil price hike) at iba pa. kaya tayming ang palabas na “Les Miserables” nanapanood naming ni Ka Rey noong isang gabi. Ingat lagi! Mabuhay ang Free Eddik Serrano Committee!
STR/STP,
Ka Eddik
Leave a comment